onepiece
may tenga may balahibo ang pusa

May
18

1. NAG-AARAL- maaaring nagmememorisa sa mga alituntuning pampaaralan, o kaya nama’y nagbabalik tanaw dahil may kakaharaping eksaminasyon kinabukasan. For that matter, good luck to you!

2. NAGHAHANDA- maaaring nagiisip sya kung anong masarap na kainin, gawin at balakin. Nagpreprepara sa mga darating na pangyayari tulad ng kaarawan, bisperas, dispedida at marami pang ibang magaganap sa kanilang mga kalapit kaanak, sa komunidad o maging sa bayang kanilang kinabibilangan. Gulong-gulo ka na naman! Happy go lucky.

3. NAGTATAKA- maaaring nagtataka kung bakit nangyari o naganap ang mga bagay-bagay sa kanyang paligid at maging sa sarili na hindi inaasahang mangyari o maganap. Nagtatanong siya sa kanyang isipan at kalimitang siya rin ang sumasagot sa mga komplikado nyang mga tanong. ‘Wag mong pahirapan ang iyong sarili, you must face the reality.

4. NAMAMANGHA- kalimitang tahimik ang taong namamangha. Itinatago nya sa kanyang sarili ang kasiyahang nadarama. Namamangha sya sa kanyang nakikita sa paligid, at maging sa sariling kakayahan. God created the world in a purpose.

5. MAY DINARAMDAM- maaaring may lungkot na nadarama, hinagpis, pagkabigo o kaya nama’y may sumasakit sa kanyang katawan. Ang tipo ng taong nagagalit kapag iniistorbo o kinakausap. Go kapatid! Kaya mo ‘yan!

6. NABABALIW- maaaring nasa supreme moment. Yung tipong nagsasalita ng wala namang kinakausap. minsan nagagalit at tumatawa mag-isa. Bigla bigla na lang nagsasalita, yung tipong kikilabutan ka kapag nakita mo s’yang ganito. Pakunsulta ka na sa iyong Doktor, iba na yan Tsong!

7. NATUTULOG- maaaring natutulog na pala ng dilat ang mga mata. Walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Nagpapapansin ka na ng bonggang-bongga wapakels pa rin s’ya with matching tulo laway pa. Yaki kadiri! May mapa pa ng pilipinas. 8. NATATAE- maaaring nakakaramdam sya ng kakaibang espiritu o gumagalaw na nilalang sa kanyang tiyan. Gustuhin mang lumabas ngunit ayaw ng may katawang tao. Umuutot palihim at kapag pinagbintangan dedma lan sya. Kunwaring may ginagawa para ‘di halata. Eeew! Ang baho! Next time magpapaalam ka ha!

9. NALILIBUGAN- maaaring nakakaramdam sya ng kakaibang saya. Sa pamamagitan ng kanyang malaberdeng imahinasyon naipapadama nya sa kanyang natitipuhan ang kakaibang pagmamahal. Sa madaling salita minamanyak nya ang taong iyon kung sino man sya. Hala, basang-basa ka na kapatid!

10. NATULUYAN NA- wala na, wala na, maaaring natuluyan na pala sya. Isa’t kalahating araw na syang natutulog wala paring pakialam. Isa na pala syang malamig na bangkay. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa!

May natutunan ka ba? Alin kaya sa sampung ito ang iyong ginagawa kapag ikaw ay nanahimik. Nakakarelate ka noh!!!!!!!! Salamat!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! YO-YO-YOHAN…………………………………………….

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.